"Alas Siyete"
Nasa ikatlong taon na ako sa kolehiyo. Parang kailan lang noong hinahatid ako ni Mama sa "day care center", ngayon isang taon nalang magkasama na kaming aakyat ng entablado👏👏. Ang bilis ng panahon noh? Sana ganun din kabilis makalimut sa pag ibig. Hahah Charr! Oo nga pala, pangalawang semestre na. May subject akong "Educational Technology 2" na kung saan kailangan kong gumawa ng "blog". Saya, lungkot, at inis ang naramdaman ko ng sabihin yan ni Ma'am. Masaya dahil may bagong matutuklasan, "konting kaalaman" sabi nga ni Kuya Kim, masaya dahil bukod sa facebook, messenger, at instagram may bago akong masusubukan at mapaglilibangan. Malungkot naman dahil para sa akin, para akong pumasok sa isang bagong mundo na hindi ko alam kung papaano mabuhay, 'yung parang sa paghihiwalay ng magkasintahan, hindi nila alam kung paano magsimula ulit. At nakakainis naman ng kaunti dahil sa linggwahing gagamitin. Isa sa mga kailangan ni Ma'am ay kung...