"Alas Siyete"
Nasa ikatlong taon na ako sa kolehiyo. Parang kailan lang noong hinahatid ako ni Mama sa "day care center", ngayon isang taon nalang magkasama na kaming aakyat ng entablado👏👏. Ang bilis ng panahon noh? Sana ganun din kabilis makalimut sa pag ibig. Hahah Charr!
Oo nga pala, pangalawang semestre na. May subject akong "Educational Technology 2" na kung saan kailangan kong gumawa ng "blog". Saya, lungkot, at inis ang naramdaman ko ng sabihin yan ni Ma'am. Masaya dahil may bagong matutuklasan, "konting kaalaman" sabi nga ni Kuya Kim, masaya dahil bukod sa facebook, messenger, at instagram may bago akong masusubukan at mapaglilibangan. Malungkot naman dahil para sa akin, para akong pumasok sa isang bagong mundo na hindi ko alam kung papaano mabuhay, 'yung parang sa paghihiwalay ng magkasintahan, hindi nila alam kung paano magsimula ulit. At nakakainis naman ng kaunti dahil sa linggwahing gagamitin. Isa sa mga kailangan ni Ma'am ay kung Tagalog ka nagsimula dapat hanggang sa matapos Tagalog, at kapag Ingles naman hanggang sa matapos Ingles lang din. Hindi pwede ang TagLish. O 'diba? Ang taray! Pero kailangan kong sumunod 'diba? Kasi hindi naman lahat ng gusto ng estudyanteng katulad ko ay dapat sundin ng guro. Tandaan mo, guro sila estudyante ka lang. Guro ang pangalawang magulang at ang magulang kailangan sundin. May mga limitasyon din ang bawat estudyante. At naiintindihan ko si Ma'am kasi balang araw magiging katulad ko din sya😊.
At ayun na nga, dalawa't kalahating oras nalang kailangan ko ng magpost sa blog. Pero heto nag iisip pa din. Unang araw palang kasi ng eskwela sinabi na ni Ma'am ito pero ngayon ko lang pinagtuunan ng pansin. Halos lahat ng ng kaklase ko nababaug na sa kakaisip. May mga dumudugo na ang ilong sa kakaisip kung anong ingles nito?, anong ingles ng ganyan? "Bes! Nanu na kasing ingles ng kayi?" tanong na madalas kong marinig sakanila. Tapos ako naman " Ay! Oo nga pala wala pa sa akin, ano kayang gagawin ko?" "Bes! Tapos kana sa blog mo?" 'yung mga tanong na ganyan eh, tapos sasagutin ka nalang ng sagot na may halong inis, "Ihh! 'wag mo nga akong tinatanong!" Ang taray ni Bes! hahah. Sobrang pagod na din siguro kakaisip kaya masungit.
Para makatulog at makapagpahinga ng maaga kailangan ko ng mai-post ito.
#HappyWeekEND😂
Comments
Post a Comment