"Liwanag ng Buwan"

Mahimbing akong natutulog
ulo ko'y nakapatong
sa unan na malusog
bumabalot saki'y kumot na malambot.

Ako'y biglang napunta
sa isang hardin na maganda
mga bulaklak ay sumasayaw na
mga paru-parung nagsasaya.

Nilibot ko ang hardin
upang ganda nito'y masilayan din
ngunit isang taong nakaitim
ang umagaw ng aking pansin.

Nais ko syang lapitan
upang aking malaman
kanyang pakay sa halamanan
ngunit sya'y biglang naglaho naman.

Ako'y biglang nagising
sa isang panaginip na malagim
dahil sa liwanag ng buwang nakasilip
sa aking bintanang masikip.

Comments

Popular posts from this blog

"Tula ko para Sayo"

"Takipsilim"

"Team Kapatads"