Buddy kong Da'best
Siya 'yung babaeng hindi alam ang salitang "Pagod na ako" pero alam ang salitang "Kaya ko pa". Siya 'yung babaeng nasasabihan ko ng problema. Siya 'yung pinakaimportanteng babae sa buhay ko, siya 'yung best friend ko.
Meet my Mama😊. Mama ko na sa simula palang naniniwala na sa akin, kasama siya ni Tatay sa pagdidisiplina sa akin, sinusuportahan ako sa lahat ng desisyon ko sa buhay. Si Mama ko na taga tama ng maling ginagawa ko. Pinapagalitan ako? Oo naman, parte yan ng pagiging nanay nya sa akin, at natural lang din yan sa mga anak na katulad ko.
Mga araw na nasa elementary ako. Gumigising ako sa umaga na nakahanda na lahat ng mga kailangan ko sa pagpasok sa eskwela. Mula uniform, almusal ko nakahain na, nakapagpainit na din ng tubig para sa pagligo ko, 'yung toothbrush ko may toothpaste na, baon kong pagkain nasa bag ko na din, sinusuklayan pa nya ako pagkatapos kong maligo. Ang sarap sa pakiramdam na binigyan ako ng Panginoon ng inang katulad nya.
Ngunit ng maghigh school ako, bigla akong ginising ng mundo. 'Yung mga nakasanayan ko biglang nawala, 'yung mga ginagawa ni Mama sa akin, ako na mismo ang gumagawa dahil tumira na ako sa bahay ng Lolo at Lola ko. Apat na taon iyon, bihira ko lang makasama ang pamilya ko, si Mama. Noong una, ang hirap hirap. Ultimo sa pagkain, pagtulog, panunuod ng T.V ay umiiyak ako, wala eh, namimiss ko sila, namimiss ko 'yung Mama ko. Pero saan nga ba't mapupunta? Nasanay din ako. Dito ko napagtanto na hindi habang buhay kasama ko sya, na nandito sya sa tabi ko. Dahil dito natuto ako sa mga gawaing bahay. Sa paglalaba, paghuhugas ng plato, pagpaplantsa, at pag iigib. Dahil dito kahit papaano natuto akong mag isa. Second year high school ako, nangyari ang isa sa pinakamalungkot na nangyari sa buhay ko. Umalis si Mama, kinailangan nyang makipagsapalaran sa ibang bansa. Akala ko okay lang, akala ko kaya ko pero 'yung akala na yun ay isang kalokohan lamang, hindi ko pala kaya. Sobrang iba 'yung kahit hindi kayo magkasama sa bahay alam mong nasa malapit lang sya kaysa sa hindi kayo magkasama sa bahay tapos nasa malayo pa sya. Nakakaiyak, kasi nararamdaman ko 'yung lungkot nila Tatay at ng mga kapatid ko. Sa pag-alis ni Mama mas lalo akong tumibay. 'Yung mga alam ko sa gawaing bahay mas lumawak. Mahirap? Oo sobrang hirap, pero kailangang kayanin, kailangang maging matibay hindi lang para sa amin kundi para din kay Mama. Alam ko ma para din sa amin ang ginawa nya, para sa mga pangarap namin. Milya-milya man ang layo nya hindi 'yun naging dahilan para mawala ang pagiging ina nya sa akin sa mga kapatid ko. Patuloy pa din sya sa pag papaalala sa akin, tinuturuan pa din nya ako kung paano MAGLUTO😂. Ramdam na ramdam ko pa din ang pagmamahal nya.
"Ma? Miss na miss na kita😭. I Love You best friend, I love you MAMA"💖

Comments
Post a Comment