Posts

Showing posts from February, 2018

"Takipsilim"

Image
"Takipsilim" TAKIPSILIM na nagbibigay sa atin ng pag-asa. Pag-asa para harapin ang bukas. Bukas na hindi ko alam kung anong mangyayari. Pangyayari na kung minsa'y sobrang saya. Saya naman na kung minsa'y dulot ng takipsilim TAKIPSILIM na nagsasabing hindi masamang magpahinga. Pahinga na kailangan natin kapag tayo'y pagod na. Pagod na dulot ng buong maghapon. Hapon na kung saan masisilayan mo ang ganda ng takipsilim. TAKIPSILIM na kung minsa'y paiiyakin ka. Iyak na papawiin ng iyong kabiyak. Kabiyak na kasama mo sa pagsilay. Pagsilay ng isang araw na palubog na. Palubog na, ngunit muling lilitaw pagdating ng bagong umaga.

Buddy kong Da'best

Image
     Siya 'yung babaeng hindi alam ang salitang "Pagod na ako" pero alam ang salitang "Kaya ko pa". Siya 'yung babaeng nasasabihan ko ng problema. Siya 'yung pinakaimportanteng babae sa buhay ko, siya 'yung best friend ko.   Meet my Mama😊. Mama ko na sa simula palang naniniwala na sa akin, kasama siya ni Tatay sa pagdidisiplina sa akin, sinusuportahan ako sa lahat ng desisyon ko sa buhay. Si Mama ko na taga tama ng maling ginagawa ko. Pinapagalitan ako? Oo naman, parte yan ng pagiging nanay nya sa akin, at natural lang din yan sa mga anak na katulad ko.  Mga araw na nasa elementary ako. Gumigising ako sa umaga na nakahanda na lahat ng mga kailangan ko sa pagpasok sa eskwela. Mula uniform, almusal ko nakahain na, nakapagpainit na din ng tubig para sa pagligo ko, 'yung toothbrush ko may toothpaste na, baon kong pagkain nasa bag ko na din, sinusuklayan pa nya ako pagkatapos kong maligo. Ang sarap sa pakiramdam na binigyan ako ng Panginoon ng i...

"Tula ko para Sayo"

Image
Normal nalang sa isang dalaga na umibig, mapaibig at humanga sa isang lalaki. Minsan kahit sa maling tao na pinagpipilitan pa din natin ang sarili natin. Sabi nga nila hindi madaling turuan o hindi mo matuturuan ang puso mo kung sinong mamahalin nya, kapag tumibok ito sa isang tao wala ka ng magagawa. Para kang alipin ng puso mo kapag umibig na ito. Minsan kinokontra ka na ng isip mo pero wala kang magawa kasi sobrang lakas ni puso. Mahirap umibig ng taong may ibang gusto. Mga pangarap mong hindi na kailanman matutupad. 'Yung taong makakapagpasaya sayo may pinapasaya ng ibang tao. Hay! Pag-ibig nga naman talaga no? Kahit gaano ka katalino, pagdating sa pag-ibig nagiging tanga ka. Kahit gaano kalinaw yang mata mo, pagdating sa pag-big nagiging bulag ka. 

"Team Kapatads"

Image
Isang grupo ng mga magkakaibigan na kung saan kabilang ako. Isang samahan na nabuo sa 'di malamang dahilan. Pagtungtong ko ng kolehiyo, hindi ko inasahan na magkakaroon ako ng mga kaibigan dahil nga sa bagong salta lang ako dito sa Tarlac. KAPATADS, isang salita na nagmula sa Kapampangan na ang ibig sabihin ay kapatid. Binubuo kami ng labing tatlong miyembro, ngunit ngayong third year na kami ay nadagdagan ng pito. Lumaki man ang aming samahan, hindi pa din nagbabago ang bawat isa. May kanya-kanya man kaming ugali, hindi yun naging hadlang para mabuwag o masira ang aming samahan. Buong buhay ko ngayon lang ako nakatagpo ng mga kaibigang tulad nito. Kaibigan na parang pangalawang pamilya ko na din, mga kaibigang nagpapalakas ng loob ko kapag napanghihinaan na ako, kaibigan na malalapitan mo kapag kapos ka sa pera, kaibigan na handang intindihin ang ugali ng bawat isa, kaibigan na paiiyakin ka sa tawa kapag malungkot ka, kaibigan na handang makinig kapag may problema ka, at higit s...