"Team Kapatads"
Isang grupo ng mga magkakaibigan na kung saan kabilang ako. Isang samahan na nabuo sa 'di malamang dahilan. Pagtungtong ko ng kolehiyo, hindi ko inasahan na magkakaroon ako ng mga kaibigan dahil nga sa bagong salta lang ako dito sa Tarlac.
KAPATADS, isang salita na nagmula sa Kapampangan na ang ibig sabihin ay kapatid. Binubuo kami ng labing tatlong miyembro, ngunit ngayong third year na kami ay nadagdagan ng pito. Lumaki man ang aming samahan, hindi pa din nagbabago ang bawat isa. May kanya-kanya man kaming ugali, hindi yun naging hadlang para mabuwag o masira ang aming samahan. Buong buhay ko ngayon lang ako nakatagpo ng mga kaibigang tulad nito. Kaibigan na parang pangalawang pamilya ko na din, mga kaibigang nagpapalakas ng loob ko kapag napanghihinaan na ako, kaibigan na malalapitan mo kapag kapos ka sa pera, kaibigan na handang intindihin ang ugali ng bawat isa, kaibigan na paiiyakin ka sa tawa kapag malungkot ka, kaibigan na handang makinig kapag may problema ka, at higit sa lahat kaibigan na tutulungan at handang maging saklay mo para magtiwala sa Panginoon, dahil tuwing Martes at Huwebes ay nagkakaroon kami ng Bible Study. Ang sarap lang sa pakiramdam na may kaibigan akong katulad nila. "Salamat sa Panginoong Diyos dahil pinakilala nya ako sa mga kaibigang tunay".
Kumikirot na nga lang ang dibdib ko kapag naiisip kong isang taon nalang ay magkakahiwa-hiwalay na kami. Kaya lagi kong pinagdarasal na sana kapag naging matagumpay sa aming buhay ay hindi pa din kami makakalimot, na sana dumating pa din 'yung araw na mararanasan at magagawa pa din namin 'yung mga bonding namin ngayong kolehiyo, tulad na lamang ng camping, swimming, manuod sa Tiyatro, magkantahan sa SM, kumain sa Mang Inasal(kasi dun lang ang unli rice), magboodle fight(na pinakapaborito naming ginagawa) at higit sa lahat sana makapag-Bible Study pa din kami.

Comments
Post a Comment