"Tula ko para Sayo"

Normal nalang sa isang dalaga na umibig, mapaibig at humanga sa isang lalaki. Minsan kahit sa maling tao na pinagpipilitan pa din natin ang sarili natin. Sabi nga nila hindi madaling turuan o hindi mo matuturuan ang puso mo kung sinong mamahalin nya, kapag tumibok ito sa isang tao wala ka ng magagawa. Para kang alipin ng puso mo kapag umibig na ito. Minsan kinokontra ka na ng isip mo pero wala kang magawa kasi sobrang lakas ni puso.

Mahirap umibig ng taong may ibang gusto. Mga pangarap mong hindi na kailanman matutupad. 'Yung taong makakapagpasaya sayo may pinapasaya ng ibang tao.

Hay! Pag-ibig nga naman talaga no? Kahit gaano ka katalino, pagdating sa pag-ibig nagiging tanga ka. Kahit gaano kalinaw yang mata mo, pagdating sa pag-big nagiging bulag ka. 

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

"Takipsilim"

"Team Kapatads"